Monday, January 14, 2008
Pataasan ng Pader
Noong 2nd year high school ako, madalas akong dumaan nang EDSAsakay ng ordinary bus. Pagdaan mo sa EDSA-Makati, makakita mo sa kanan ang sikat na Forbes Park. Subdibisyon ito ng mga mayayaman, sikat, at makapangyarihan sa aking lipunan. Pero hindi basta-basta ang pagpasok doon. Napanood ko kasi sa tv ang isang reporter na nagpaalam sa guwardiya. Hindi siya pinayagan. Sayang!Tahimik at mailap sa mata ng mga madla ang Forbes Park kaya bihira lang ang mga balita sa Forbes Park. At ang madalas kong mapuna ang kanilang pader. Oo, matataas ang pader sa Forbes Park at kung di pa nasiyahan ay-i-eextend pa ng mga pinagdikit na kawayan. Ayos!Gawa ng genius! Talagang only in the Philippines. Naisip kong kung gaanong kataas ang kanilang pader ay gayun din kataas ang estado ng kanilang pamumuhay. Kahit na ang isang mahirap ay di kayang abutin. Pero ako, kaya ko. Paano? Pataasan ko ang aking pader. Paano? Mag-eextend ako ng pinagdikit na kawayan sa aking bahay para amanos na kami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment