EMO-An entire subculture of people (usually angsty teens) with a fake personality. The concept of Emo is actually a vicious cycle that never ends, to the utter failing of humanity.
Ang mga EMO ay grupo ng mga tao(karamihan ay mga kabataan) na medyo depressed ang utak at pagkatao. Karamihan sa mga EMO ay galing sa mga broken family at madalas ay itinuturing na outcast ng ating imperfect society. Malaki ang pagkakaiba ng mga EMO sa mga GOTHS dahil less dark sila. Di nila gusto ang kanilang sarili at laging nagtatanong tungkol sa buhay at kamatayan. Madali lang ispatan ang mga EMO. Eto ang mga senyales.
-Itim ang kanilang kasuutan, mula ulo hanggang paa. para bang may niluluksa kahit walang niluluksa.
-Parating naka-sneakers na itim.
-Maraming bling-bling sa katawan. Kulang na lang na sabitan mo ng kalendaryo.
-Minsan naka-salamin kaso yung frame,ITIM din.
-May bangs na medyo sobrang haba. Parang shinigami sa Naruto. gawa ni Ricky Reyes. Ang Ganda!!!
-Minsan nakatirik din ang buhok. Yung parang nag-grounded sa Van de Graaf generator. Medyo shiny rin gawa ng sobrang gel.
-May mp3 at may pasak na earphone para wala na silang marinig sa outside world. Wala rin silang pakialam kung mabasak ang cochlea nila sa super lakas ng tugtog. Double bass siguro.
-Puro kanta ng Simple Plan, Rancid, MXPX, Good Charlotte, at Paramore ang laman ng mp3
-BTW, crush si Hayley Williams.
-Dark ang theme ng Friendster profile nila. Patay din.
-May dalang gitara sa eskwelahan na madalas kinukumpiska ng professor.
-Medyo depressed, nalulungkot at may suicidal tendency.
-Super-sensitive at parati na lang sinasabi na gusto na niyang mamatay.
Kapag mayroon kayong kaibigan na may ganitong senyales ay kailangan itakbo sa pinakamalapit na doktor at baka sumama pa sa Laslas Convention.
No comments:
Post a Comment