Sunday, January 20, 2008

Pangarap

Di naman ako mayaman, sikat o makapangyarihan. Simple lang naman akong tao na may simpleng pangarap sa buhay. Pero kung dumating man ang pagkakataon na magpakita sa akin ang pangarap at gawin akon pinakamayaman, pinakasikat, pinakamakapangyarihan sa buong Pilipinas, eto ang listahan ng mga gagawin ko:
-Bibilhin ko ang ABS-CBN at GMA para wala nang network wars.
-Bibilhin ko ang mga sikat na subdibisyon upang ipamahagi sa mga mahihirap.
-Bayaran ang utang ng gobyerno.
-Bayaran ang mga di-nabayarang tax ni Lucio Tan.
-Magpagawa ng napakaraming orphanages sa buong Pilipinas.
-Magpagawa ng pinakamalaking kulungan sa Cagayan de Tawi-Tawi Island para sa mga kriminal, terorista, at mga kurakot na opisyal ng gobyerno.
-Magpatayo ng mall para sa mga mahihirap.
-Bigyan ng trabaho ang mga mahihirap para hindi na sila sumali sa mga noontime shows.
-Magpaaral at magpatayo ng mga paaralan sa buong bansa para di na sila sumali sa mga Komunista.
-Bilhin ang piluka ni Eddie Gil para dagdag-suwerte.
-Magsagawa ng isang miracle crusade upang mga may sakit ay gumaling at ang mga patay ay muling mabuhay. Dapat ay televised marathon broadcast dapat ng 3 days and 3 nights.
-Magsusulat ako ng napakaraming mga libro para may mabasa naman ang mga Pilipino sa murang halaga.
-Magreresearch ako para sa gamot sa AIDS.
-Magbibigay ng 10% na commision sa Lord.
-Magpatayo ng isang bagong simbahan na sinlaki ng sa templo ng Iglesia ni Cristo sa Commonwealth.

1 comment:

FerBert said...

Pareng Anti-noontime show.. magblog hop para naman dumami ang mambabasa ng blog mo na to, mahusay ka eh..

online buddy mo sa muliply at fster
-MYCKO