May nabasa akong post tungkol sa lagay ng Pinoy entertainment na sa ngayon ay naghihingalo. Mga walang quality at puro basurang mga palabas sa telebisyon. Naglista siya ng mga palabas sa telebisyon na hindi dapat tinatangkilik ng masang Pilipino. Dahil dito ay naglakas ako ng loob na dagdagan ito. Ito pa ang mga palabas na dapat i-ban pa ng MTRCB sa lalong madaling panahon:
1. Noontime Shows- Pangunahin na dapat i-ban ang mga ito dahil dito unang nag-uugat ang mga away ng mga TV networks. Dito kasi nagtitiryahan ng mga punchlines laban sa kalaban nila. Dito rin minsan nagkakaroon ng mga stampede dahil sa mga malaking mga papremyo sa tv. Dahil sa mga NTS ay nagiging tamad ang mga Pilipino at umaasa suwerteng hatid ng kanilang kalokohan. Sila rin minsan ang laman ng samu't saring mga kontrobersya tulad ng dayaan, nipple slips, at iba pa.
2. Telenovela- Okay lang kung drama lang pero kung ang turing dito ay telenovela, ibang usapan na ito. Nagsimula ang kalokohang ito nang dumating isang alien sa katauhan ni Marimar. Dito minsan naka-pattern ang karamihan sa mga kuwento ng mga telenovela sa Pilipinas. Pag-iibig at paghihiganti( isama mo na rito ang sex). Kahit ang mga Korean, Japanese, at Chinese ay hindi dapat tawaging mga telenovela dahil di naman si naka-pattern sa mga Taga-Kanluran(although may kaunti itong hawig). Isa pa, bakit hindi gumagawa ang mga director natin mga palabas tungkol sa bawat sektor ng buhay tulad ng pulis, bumbero, sundalo, doktor, scientist at iba pa.
Kaya drama ang dapat, hindi telenovela.
Salamat sa pagbasa ng post na ito. Kayo na rin ang humusga kung tama ako o mali. Let's hunt some typos.
Saturday, January 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment