Monday, January 28, 2008

Ekisman: Ang Pasimula



Si Ralphee Raymundo ay isang matagumpay na squatter sa Bagong Silang tulad ng kanyang ama. Siya ay may disenteng trabaho bilang isang promo boy ng isang di-sikat na brand ng sabong panlaba. Siya ay nakatira kasama ng kanyang Lolo Ando, ang alagang aso niyang si Pudong at ang alagang pusa na si Pablo. Isang gabi, sa madilim na eskinita ng JP Rizal, pauwi na si Ralphee galing ng internet cafe dahil nag-dota siya kasama ng kanyang mga friends nang biglang nakita niya ang isang matandang lalaki na nakahandusay sa tabi. Walang atubling dinala ito sa bahay at ginamot. Kinabukasan, ay nagising ang matanda at nagpasalamat kay Ralphee at bilang regalo ay ibinigay ng matanda ang Mahiwagang Shades. Sinabi ng matanda na oras na isuot niya ang Mahiwagang Shades at sabihing, "EKIS AKO", lalabas ang kapangyarihan. At tulad ng mga superhero movies dito sa Pilipinas, biglang nawala ang matanda. Sinunod ni Ralphee ang bilin ng matanda, sinuot ang Mahiwagang Shades, sabay sigaw ng, "EKIS AKO". Biglang lumiwanag ang buong bahay hindi sa suot niya ang damit niya na nilaba sa Ariel kundi dahil sa kapangyarihan and the rest is history.
(Sundan ang kapana-panabik na pakikipagsapalaran ni....... EKISMAN-MAN-MAN-MAN !!!!)

No comments: