Sunday, June 1, 2008

Belo Monster !!!!

NOTE: Sadya kong hindi naglagay ng picture ni Dra. Vicky Belo para walang giyerang maganap o magkaroon ng civil war. Total naman eh opinyon ko lang naman ito at bahala na kayo kung sang-ayon kayo o hindi.

Kanina lang eh ipinakilala ang bagong endorser ni Dra. Vicky Belo, si Sarah Geronimo. Napansin niyo ba na maputi ang kanyang balat. Di tulad ng dati.

Nakakalungkot pero ano ba ang napapala ng tao sa pagpapaputi ng balat ? Bakit ba naiinggit ang ibang ordinaryong tao tulad ko sa mga artista na gumagastos ng libo-libo para lang gawin silang kamukha ng mga poon sa simbahan. Sana estatwa na lang sila na niluluhuran. Yun naman ang gusto nila, ang niluluhuran at sinasamba ng tao.

Medyo sawa na rin ako sa mga commercial ng mga produkto ni Belo. Ayoko na at di ko na ma-take. Lalo na yung catchphrase na....

"Only Belo touches my skin. Who touches yours ?"

Who touches mine?

Kung ako ang tatanungin, mas mabuti nang magpahawak ako sa taong grasa wag lang sa kasinungalingan na ang kagandahan ay nakasasalay sa kamay ng iilang tao lang tulad niya.

Lead us not into temptation.

2 comments:

chroneicon said...

apir tayo dyan! maxado silang worried sa physical appearance nila. pero in fairness mabait si sarah haha

perry chloride said...

tama ka kuya. bakit ba sila gumagastos ng ganoong kalaking pera para lang maging maputi ang mga balat. sana multo na lang sila o di kaya poon na niluluhuran