Sunday, June 29, 2008

P.C. Dictionary

Narito pa ang PC lingo na tiyak na matututunan niyo ...

Indescribable,inconceivable- di ma-explain/malabo/di maintindihan

ANOTHER WAN WITH PACMAN

Nakarami na naman si Pacman.
Kaya saludo ang Pinoy Epal kay Manny Pacquiao.

Manny, pa-surplus naman diyan haha !!!
Hindi, mag-donate ka na lang sa mga biktima ng M/V Princess of The Stars.

Thursday, June 26, 2008

Me Binebenta Ako.....

5.1 Surround Sound Nanay
- 8500 watt audio, complete w/ subwoofer, second hand from Tralala
Battery Operated Tatay
-brand new, also from Tralala
Coin-Operated Girlfriend/Boyfriend

Also available....

Auto-Girl Recovery
-get your girl in just 2 days or less

Doon Ka Sa Barangay

Ang mga Pilipino talaga, pag tinamaan ng gutom sa katawan, reklamo agad. Pag feeling nila na naghihirap sila sa buhay, sugod agad sa kalsada, labas ng plakard at mag-rally,mag-ingay, at mang istorbo ng taong tulad ko. Na nananahimik na nag-aaral.

Reklamo...

Puro ka na nalang reklamo.
Reklamo mong mahal ang tubig, ede wag kang mag-igib.
Reklamo mong mahal ang kuryente, ede wag kang gumamit ng kuryente.
Reklamo mong mahal ang pagkain, ede wag kang kumain.
Simple lang di ba?
Pero tingin ko hindi mo magagawa ito.

Baka sa karereklamo natin eh magalit na si Dear Jesus !!!

Ano?
Reklamo ka pa?
DOON KA SA BARANGAY!!!

P.C. Dictionary(part 3)

Mga bagong salitang epal....

careless whispers- flirty lines/pick-up lines
survival food- baon
cancer sticks- sigarilyo/cigarettes

Marami pa sa susunod...

Wednesday, June 25, 2008

P.C Dictionary(Part 2)

Bitin pa, eto pa ang isang lingo na binabanggit ko:

Colorum-tawag sa mga taong hindi nagsusuot ng tamang uniform sa oras ng klase.

More P.C. linggo coming up....

Tuesday, June 24, 2008

Epal

"Punta tayong SM."
"SM na naman, di ba kapupunta lang natin doon kahapon. Bakit pupunta pa tayo ulit?"
"Sige okay lang. Ganyan ka naman palagi eh. Lagi ka na lang nang-iiwan."
"Hindi. Joke lang. Paano naman kita tatanggihin, eh best friend kita."
"Apir tayo dyan."

Tapos na ang nakakaantok na klase ni Sir Marang ng Political Science. Nagising na ang diwa ni Perry habang hyperactive naman si Pong at hindi na makapaghintay na pumunta sa SM. Para sa kanya, SM lang ang tanging tambayan niya. Ayaw niya sa bahay dahil bukod sa nakakabato ay naroon pa ang kanyang Tatay na masungit.
Matapos na magpalit ng damit si Perry ay pumunta na sila sa SM. Sa halip na sa mahabang at aspaltong kalsada sila dumaan ay doon sa shortcut sila na maputik puno ng mikrobyo tapos tatawid sila ng limang bundok. Tapos mag-te-trespass pa sila sa isang bakod na hindi nakakita ng mama.
Pagkatapos ng mahabang lakaran ay nakarating sila sa SM. Sa tuwa at saya ni Pong ay tumakbo siya kahit ba mabilis ang takbo ng mga sasakyan. Clueless naman itong si Perry at parang wala sa sarili. Sumunod na ito kay Pong papasok.
Dumaan muna sa isang masusing inspeksiyon ang dalawa. Halata naman ni Pong ang guwardiya na parang masama ang kanyang titig sa kanya. Pero hindi na lang niya ito pinansin. Namasyal ang dalawa, akala mo may bibilhin. Window shopping lamang ang kaya nilang gawin. Patingin -tingin, di naman makabili.

"Upo muna tayo. Nagrereklamo na yung mga binti ko."
"Oo nga. Upo muna tayo."
"Pare, hindi ka ba nag-sasawa sa ginagawa natin."
"Sa totoo lang eh nagsasawa na rin ako sa ginagawa ko. Pero wala rin akong magagawa.
Nakakasawa sa bahay. Ang daming trabaho tapos pag nag-aaral ka, may commercial gap si tatay. May inuutos lagi yun eh."
"Sa bagay tama ka, para ring nakakasawa rin sa bahay. Taong bahay rin ako. Yung mga kapatid ko, mga tamad. Babae pa 'yun. Mga nakahilata pa sa kama kahit pa alas-siete na ng umaga.Bangis. Kaya nasawa na rin ako sa ginagawa ko."
"Lakad pa tayo."
"Sige !"

At nagpatuloy sila sa paglalakad sa buong mall. Tiyak na muling magmumura na naman ang mga paa nila. Nakaka-epal talaga sila.

Monday, June 23, 2008

God Is In Control....Sa Gitna Ng Bagyo !!!

Linggo kinabukasan, madaling araw...

Ramdam na namin ang pag-daluhong ng malakas na hangin at pag-buhos ng malakas na ulan dulot ni bagyong Frank. Ramdam ko na ang tensyon dahil brown-out na. Pero matapos na kami ay manalangin bilang pamilya, tila parang nabunot ang tensyon sa katawan ko. Pinapanood ko na lang ang pag-daan ng bagyo sa aming lugar. Kulang na lang na bumili ang popcorn and watch the mayhem.
Walang Sunday Service noong umaga. Tanga ko na pumunta pa ako sa aming church. Naka long-sleeve, necktie, at pantalong pang-polo.

Mga 12:00 ng tanghali...

Humupa ang ulan at hangin, nagkaroon na ng ilaw sa aming lugar. Pero ilang saglit lang eh bumuhos pa rin ang ulan pero wala nang hanging umepal. Natuloy ang service noong hapon. Bigla kong naalala ang special number namin na ang pamagat ay God Is In Control. Tuloy ginanahan ako sa pag-tugtog.

MASASABI KO NA GOD IS IN CONTROL SA GITNA NG BAGYO.
SALAMAT SA DIYOS AT SA KANYA ANG KAPURIHAN !!!

Sana Lips Ka Na Lang....

Sabado ng hapon...

Hindi pa oras ng electronics 3. Dumating yung mga kasama kong 4-2(doon ako na-enroll dahil sa conflict sa schedule). Nandoon yung tatlong babae. Isa na roon ang itatago natin sa pangalang....LANI.
Napansin ko yung lips niya na napakapula. Akala mo na sumobra sa lipstick o nakakain ng isang basket na kamatis. Dinaan ko na lang sa biro yung aking pagkamangha.
Sabi ko kay LANI,"Ang ganda naman ng lips mo." Biglang lumitaw ang ngiti sa kanyang labi. Akala niya tapos na ako. Dugtong ko......

"SANA LIPS KA NA LANG !!!"

Hindi naman siya nagalit pero natawa kaming lahat na nasa room. Halata bang marunong na akong humirit hehehe?

Friday, June 20, 2008

Thought For The Day

Mula kay Tado.....







Thursday, June 19, 2008

May Kudeta Sa Bahay Namin !!!

Kagabi...

Mas mainit pa sa pag-laya ni Ces Drilon ang nangyari sa bahay namin. Pag-uwi naming mag-kapatid eh nakita namin ang nanay. Parang umiyak. Yun pala eh pinipilit niyang patawarin siya ng tatay. Pero sadyang matigas ang puso ni tatay. Ayaw siyang patawarin. Bukod pa roon ay pinaalala ni tatay ang ginawa niya noon pang linggo. Ganito kasi yun....

Flashback...

Ayon sa kuwento ni nanay, nagpapa-pray over si tatay para sa sakit niya. Eh medyo busy ang lahat dahil nga eh nag-liligpit at may meeting pa ang ibang ministry. Hindi nakapag-antay si tatay. Nagtampo. Parang bata. Wala kaming alam sa nangyari. Umusbong na lang kinagabihan.

Ngayon...

Nakikiramdam pa rin kami kung hanggang kailan matatapos ang standoff sa pagitan nina nanay at tatay. Pero ang bottom line dito ay kaming mga anak ang apektado sa gulo ng dalawa.

Opinyon...

Sa palagay ko, tama si nanay. Bakit ba magtatampo si tatay kung hindi siya pinag-pray nina Pastor ng mga teacher ? Di ba pinagpray na siya kasama nung mga tatay sa harapan ? Bakit kailangan pang personal ? At isa pang ayaw ko sa tatay na hindi ko masabi-sabi ay ang pagiging matigas ng puso niya para sa pagpapatawad. Humingi na ng tawad si nanay kinagabihan noong Lunes pero anong ginawa niya? Pinatagal niya nang isang linggo. Kaya isang linggo ang tensyon. Walang kibuan. Para kaming mga reporter na mag-aantay ng susunod na pangyayari. Bakit hindi pa patawarin agad para matapos na di ba?

Wednesday, June 18, 2008

P.C. Dictionary

Narito ang kalipunan ng mga salitang naimbento ko. Akala mo Leyn ikaw lang ang may lingo, ako rin meron.

Brokeback Mountain- bakla o silahis na malapit sa pagiging bakla.
Rizalista-mga taong nag-aaral ng buhay ni Rizal. Yung mga may subject na The Life and Works of Dr. Jose Rizal.
Gingineer-Tawag sa inhinyerong umiinom ng alak pagkatapos ng mahabang trabaho.

Eto pa lang muna, next tym na lang ang iba.

The Anatomy Of An EMO

mula sa multply ni tado.....

Tuesday, June 17, 2008

Gusto Mong Pumayat...

Gusto mong pumayat na hindi na nag-aantay ng araw, linggo, buwan at taon? Gusto mo ng flat na tiyan pero ayaw mahirapan ang sarili? Puwes narito na ang mga tips mula sa Pinoy Epal.

  1. Kumuha ng matulis na bagay para iputok sa tiyan mo.
  2. Kumuha ng rolling pin at imasa ang tiyan.
  3. Magpadamba sa 10 elepante.
  4. Maglagay na 10 hollow blocks sa tiyan.
  5. Kung talagang desperado ka nang pumayat ay eto......MAGPADAAN KA SA PISON !!!
    TIYAK NA PAPAYAT KA. SINGPAYAT NG PAPEL.

Ang tips na ito ay hatid sa inyo ng MISFIT TEA AND CAPSULE. PAYAT ANG TIYAN, DIRETSO SA LIBINGAN.

Thursday, June 12, 2008

Ang Iglesia Ni Cristo Cathedral, Mukhang Space Station

Ito ang katedral ng Iglesia Ni Manalo(este) Cristo.
Pero meron ba kayong napapansin.
Napapansin niyo kung bakit may tusok-tusok sa taas ng katedral.
Ito kasi ang biruan namin ni Pong kapag nasa ikatlong palapag kami ng admin buliding sa PUP-Sta. Rosa.
Doon kasi kita yung katedral ng INC.
Sabi namin mukha siyang space station.
At doon sa mga tusok-tusok na yaon ay doon nakatago ang kanilang rocketship na magsisilbing sasakyan ng kanilang patron sa katapusan ng mundo.
Tawa kami ng tawa kapag naiisip namin yun.
Ministro ng INC: Dito na kayo sa Iglesia Ni Cristo at kayo'y maliligtas. kami lang ang relihiyon na may spaceship papuntang kalawakan. Maliligtas tayo sa katapusan ng mundo.
Note: Hindi po ako pakawala ni Soriano o kung sinong religious leader. Ito ay isa lamang biro at opinyon. Kung sino man sa inyo ang INC, itaas ang kamay at iwagayway at umawit ng kantang This Is The Day.

Hindi Pa Pasukan

Opo, tama ang basa ninyo at hindi niyo na kailangan ng antipara basahin nang mabuti. Hindi pa po namin pasukan. Sa Lunes pa. Naglilipat pa po kasi ng gamit ang mga personnel ng PUP(Philippine University of the Phlippines)-Sta. Rosa Extension patungo sa bago namin tahanan. Sana naman ay hindi tulad ng rancho sa tapat ng ospital. Magmumukhang kabayo ang mga calssmates ko kapag ganoon pa rin ang sitwasyon. Ang huling balita na narinig ko sa kapatid ko ay doon daw sa loob ng Tiongco Subdivision, bago dumating ng Iglesia Ni Cristo(na korteng space station).
Okey lang naman na lumipat ang eskwelahan namin dahil bago pa naman ang PUP sa Sta. Rosa. Tulad lang naman 'yan sa PUP dito sa San Pedro na lumipat mula Pacita patungong sa kabundukan. Doon sa dating campus ng San Pedro Relocation National High School(o SPRaCheNHeitS ayon sa tatay ko na magaling mag-German) doon sa Brgy. United Better Living.
Bukod pa roon ay meron na akong mga bagong nalaman ngayong araw na ito...
May bago na namang profile ang bespren kong si Pong sa Friendster. Yung dati niyang profile eh ginawa niyang fan profile(sosyal).
KUNG KELAN KA NAMAN EXCITED PUMASOK EH SAKA LUMIPAT NG LUGAR. TULOY AY BALIK AKO SA DATI.

Medyo....


My Lakbayan grade is D!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Malayo Pa

Tuesday, June 10, 2008

Eto ang Totoo(for sure)...

Nilinlang ka ng TV.Niloko ka ng radyo. Dinaya ka ng diyaryo.
Kunwari walang problema. Pero meron.

Galing sa blog ni Agi.

Hindi Talaga Masarap Ang Maging Mayaman (Minsan).

Ayoko nang maging mayaman.
Ito ang naisip ko nang lumabas ang blogsite ni Brian Gorell tungkol sa buhay ng mga tinatawag na mga alta-sociedad. Di na isyu kung totoo ang mga binanggit ni Gorell sa blog niya kasi meron nang mga alta-sociedad nung panahon ng mga Kastila. Sa Noli Me Tangere ni Ka Pepe ay meron nang mga ganitong tao sa ating lipunan (maging tunay o nagpapanggap lang).
Tingin ko sa mga taong ito eh mga hindi makatulog. Dalawa lang naman ang dahilan. Maaring nag-aaalala sila sa kanilang pera o nakokonsiyensiya dahil kinukurakot lang yung pera iniipon nila. Kaya nagpupunta sa mga party o di kaya mag-gogolf sa Wack-Wack para lang kalimutan ang kanilang problema. Pero waepek yun sa kanila. Sana eh maranasan naman nilang ma-foreclosure ang mga ari-arian nila tapos makita ko sila sa Monumento na nag-rurugby. Grabe na ha. Nung mayaman sila, sleeping pills at coke ang tinitira nila. Tapos drugs pa rin noong nag-hirap.

Sunday, June 1, 2008

Belo Monster !!!!

NOTE: Sadya kong hindi naglagay ng picture ni Dra. Vicky Belo para walang giyerang maganap o magkaroon ng civil war. Total naman eh opinyon ko lang naman ito at bahala na kayo kung sang-ayon kayo o hindi.

Kanina lang eh ipinakilala ang bagong endorser ni Dra. Vicky Belo, si Sarah Geronimo. Napansin niyo ba na maputi ang kanyang balat. Di tulad ng dati.

Nakakalungkot pero ano ba ang napapala ng tao sa pagpapaputi ng balat ? Bakit ba naiinggit ang ibang ordinaryong tao tulad ko sa mga artista na gumagastos ng libo-libo para lang gawin silang kamukha ng mga poon sa simbahan. Sana estatwa na lang sila na niluluhuran. Yun naman ang gusto nila, ang niluluhuran at sinasamba ng tao.

Medyo sawa na rin ako sa mga commercial ng mga produkto ni Belo. Ayoko na at di ko na ma-take. Lalo na yung catchphrase na....

"Only Belo touches my skin. Who touches yours ?"

Who touches mine?

Kung ako ang tatanungin, mas mabuti nang magpahawak ako sa taong grasa wag lang sa kasinungalingan na ang kagandahan ay nakasasalay sa kamay ng iilang tao lang tulad niya.

Lead us not into temptation.

Nang Dahil Kay Gabby Concepcion...

Tumaas ang presyo ng mga bilihin.


Nagmahal ang pamasahe.


Di na ma-reach ang presyo ng gasolina.


Dumating ang bagyong Cosme.


Dumadami ang mga mahihirap.


Lahat ng ito ay dahil kay........





GABBY CONCEPCION