Monday, May 19, 2008

Pananaw: RCBC BANK ROBBERY.

Nakakalungkot para sa amin na dito pa nangyari ang pinaka-grabeng insidente ng bank robbery sa aming probinsya. Dalawang bayan lang ang pagitan ng San Pedro at ng Cabuyao kung saan nangyari ang krimen. 9 ang on the spot na inexecute ang mga kriminal ang mga empleyado ng RCBC Cabuyao branch. 1 ang nakaligtas at dinala sa ospital pero binawian din ng buhay.
Masasabi ko na bukod pa sa mga mamamahayag, testigo, DPA, at pulis, isa na ang pagiging empleyado sa bangko sa mga pinaka-delikadong trabaho. Marami kasing mga interesado sa pera ngayon dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Kaya wala nang awa ang hold-uppers ngayon. By hook or by crook na ang laro. Foul yun.
Ganun talaga ang tao, ganid na pag pera ang isyu.
Bakit ang saging, may puso ?
Ang tao, WALA !!!

2 comments:

chroneicon said...

nalungkot ako at nagalit sa balitang to. sana tamaan ng lintik na bigwas ng karma ang mga kriminal...

perry chloride said...

AMEN !!!