NARITO ANG ISANG KUWENTONG BINUO NAMIN SA AMING FRIENDSTER GROUPS. MEDYO WALANG KUWENTANG BASAHIN PERO SANA AY MATAWA PA RIN KAYO.
isang araw, napansin ng ating bidang si Joseph Camacho na wala siyang ginagawa sa bahay nila. Lumabas siya para humanap ng makakain ng may nakasalubong siyang aso na tahol nang tahol sa harapan. Kulay black at medyo galisin. Sinaway ni Joseph ang aso nang biglang dumating si Daniel Joseph Castro, at biglang natakot ang aso sa kanya. Pag alis ng aso eh nagusap ang dalawa sa ilalim ng punong mangga. Doon ay nakita nila si Aron Jay Rivera na tulog at medyo lango sa tanduay.
daniel at joseph: Yak!
magkasabay na sabi ng dalawa at ginising nila si Aron pero bigla silang pinigilan ni Raymond Ong at sabi sa kanila ay
ong: huwag nyo gisingin yan, pag ginising nyo yan eh malilintikan ako, tsk tsk tsk.
at tinanung nila si Ong kung bat sya malilintikan, ang sagot nya ay
ong: huwag nyo gisingin yan, pag ginigsing nyo yan eh malilintikan ako, tsk tsk tsk.
at tinanung nila ulit si Ong kung bat sya malilintikan. Ang sagot niya ay.... ganun din.
daniel: Wala kang kuwentang kausap.
joseph: paulit-ulit ka eh
at umalis na ang dalawa nang biglang dumating si Erwin Bonaobra at pinigilan ung dalawa bago pa sila makaalis. at tinanung nya ung dalawa kung anu ang nangyayari at ikinuwento nung dalawa ang mga pangyayari. tas nakaisip si Erwin ng magandang idea
erwin: Dahan-dahan natin siyang ilagay sa kabaong. Lalagyan natin siya ng bulak at gagamitin nating prop para mag-lagay tayo ng sakla sa tabi ng bahay namin at para hindi mahalata ng mga tanod.
At sumang-ayon ang dalawa sa plano kaya nang lumalim na ang gabi ay pumunta sila sa sementeryo para humukay ng kabaong.
Malapit na nilang makuha ang kabaong nang biglang dumating c Jonard Emmanuel Sarmiento, sya pla ang tagapagbantay ng nitso n kinukuhanan nung tatlo ng kabaong, sbi sa tatlo eh
jonard: HOY! anung ginagawa nyo dyan?!
Dali-daling nilagay uli ni Erwin ang takip ng nitso. Nang malapit na si Jonard, tinanong niya ulit kung ano ang ginagawa ng tatlo sa sementeryo.
joseph: Wala po. Namamasyal lang po kami
daniel at erwin: Oo nga.
sagot ng dalawa sa paraang chorale.
jonard: Ah, ganun, sige maiwan ko na kayo pero mag-ingat kayo dahil maraming multo rito,
sabay umalis si Jonard na parang walang nangyari. Inantay nila na makalayo si Jonard nang 9 feet at tinuloy nila ang kanilang kalokohan kaso bigla n lng nagtahulan lahat ng aso, rinig nung tatlo ang malakas na ungol ng mga aso, bigla nanginig sa takot sina Erwin at Joseph, pero si Daniel eh d man lng nasindak sa mga nangyayari, at sabi nya sa dalawa eh
daniel: ituloy n natin to, d n tau pede umatras.
After 5 years ay nakuha nila ang kabaong at dali-daling umalis sa sementeryo. Pero pagdating sa punong mangga, wala na si Aron sa ilalim nang mangga.
daniel: pano na yan wala na siya.
biglang nagkaroon nang idea sina Erwin at Joseph. hmmmmmmm
erwin: puntahan na lng natin si Aron sa bahay ila, malapit lng un dito.
at pumunta nga sila kina Aron, dala dala parin nila ang kabaong. tas pagdating nila kina Aron eh naabutan nila etong natutulog sa harap ng computer. tas ng makita cla ng nanay ni Aron, ang sabi eh
nanay ni Aron: paki gising nga to, kanina pa to eh, gusto ng gumamit ng pc ng kapatid nya, tsk tsk tsk.
at nakaisip na nmn c daniel ng mgandang idea
daniel: bumili nalang tayo ng jampong at pag naamoy yon ni Aron ay kusa na siyang lalapit dito na parang isang zombie, at kapag nandoon na siya ay ilolock natin ang kabaong.. taposss.. tapos…AHA!!! bumili tayo ng helicopter para maihulog natin sya sa butas na ginawa natin, dati doon sa ilalim ng puno ng manga, sa may simenteryo, na kung saan ay nakita tayo ni Jonard limang taon na ang naklilipas...
joseph: Tama! ??? (tulirong sagot ni joseph)
erwin: Teka! mayroong pusang lumalapit kay Aron. may naisip ako, masyadong mahal ang jampong. gawa na lang tayu ng siopao. tamang tama ang pusa.joseph: hindi ako marunong. itxt mu si Rommel Joselito Tejido. papuntahin mu dito kasi marunong siya gumawa ng siopao. itinext nga ni Erwin si Tejido at nang malapit ng magsend, biglang na-low batt ang cellphone ni Erwin na kabibili lang sa black market.
erwin: )!)@(#*&@&@(!), ano ba 'tong cellphone ko walang kuwenta.
pagrereklamo ni Erwin na mangiyak-iyak sa panghihinayang.
daniel: Palitan mo na kasi yang cellphone mo. Galing kasing black market eh.
Dahil dito naicip ni Joseph n hiramin ang charger ni Aron para macharge ung battery ni Erwin. pero ng makita nila ang charger eh ibang size pala un, kakaiba kc ung cellphone ni erwin, galing kc ng black market. tas may naicip nmn c joseph,
joseph: edi gamitin n lng natin ung chika ni Aron sa pc nya para itxt si tejids.
at ung nga ang ginawa nila.
erwin: pero teka, nasa harap ng pc si aron db?
joseph: ou nga
erwin: sige, bibili na lang ako ng bagong battery. tutal may ittxt din naman akong iba,
at yun, bumalik sya sa black market pra bumili ng bagong batery. Naabala naman ang pag-pepe(este)tennis ni Tejido sa text ni Erwin. Nang nabasa ni Tejido ang txt, biniyak niya ang tennis racket at winahak ang kanyang tennis shirt na imported pa sa New York, Cubao. dahil di niya matanggap na utusan lamang siya ng tatlo. Kaya tineksbak niya si Erwin at ang sabi...
tejido: Ayoko nga !!!
Nagalit ang tatlo sa txt back ni Tejido. Kaya naisip nilang pagtripan c Tejido sa friendster groups. at un nga ang ginawa nila, tas dahil sa sobrang ingay nung tatlo habang pinagtritripan si Tejido sa groups eh bigla na lng nagicing c Aron, sa galit ni Aron, bigla siyang lumabas ng bahay para puntahan si Tejido.
aron: galit ako
tejido: anu ngayun
aron: uwi na ako. inaantok kasi ako eh.
at gayun nga ang ginawa niya. Bumalik siya sa bahay nila at natulog.
erwin: Anong nangyari sa kanya?.
daniel: Ewan ko.
At itinuloy ulit ang kanilang pang-goo-good time kay Tejido. Matapos ang 5 oras eh biglang tinamad n ung tatlo. kaya naicip nila na umuwi na lng. pero bago umuwi eh may ginawa muna cla sa bahay ni Aron ang ginawa nila, nilinis muna nila ang bahay nila Aron at pagkatapos, sabay sabay na umali.
erwin: san ang punta natin ngayun.
joseph: Doon na lang tayo sa plaza. Mag-girl watching na lang tayo.
daniel: Tama
At pumunta nga sila sa plaza. Pero biglang nakasalubong nilang muli ang asong humarang kay Joseph kanina. nagsama pa ng walong malalaking aso. hindi ito natakot kay Daniel kaya wala silang ngawa kundi tumakbo. sa pagtakbo nila ay nagkahiwa hiwalay sila.. napansin na lang ni
Joseph na nasa BiƱan na siya. kaya napagpasyahan niyang magpunta na lang kila Jerry Allan Caidic. Pagdating ni Joseph sa bahay ni Jerry, kinatok nito ang gate na yari sa gintong bakal.
joseph: Tok tok tok, isang milyon pasok.
Ilang sandali ay lumabas si Jerry at pinapasok si Joseph. halatang pagod at uhaw si Joseph kaya inalok ni Jerry ito ng tubig.
joseph: pwede bang kanin na lang.jerry: ala kami kanin.joseph: huh?jerry: burger gusto moh?joseph: oh sige burger na lang.
at binigyan nga sya nito ng burger.
jerry: pare, may bayad yan.
kaya biglang nagulat si Joseph at biglang nabulunan.
joseph: Si jerry naman eh. 5 kilometro ang itinakbo ko papunta rito sa bahay niyo tapos pababayaran mo pa yung burger. Libre mo na lang ito sa akin.Puwede?
jerry: wala ng libre ngayun.
joseph: panu yan, wala na kong pera.
jerry: sige libre na, sa isang kundisyon...sa ika 12 gabi ng hunyo ganap na ika 10:45:9 ay ipapakasal mo kami sa ilalim ng bilog na buwan ng iyong kunwaring kapatid na c Micy ikaw ang magiging organizer at kakanta ng "quit playing games" ng backstreet boys sa gabi ng aming kasal.
Joseph: (napalunok ng matindi)
samantala habang binabanggit ito ni Jerry ay lihim palng nagmamatiyag si Erwin sa dalawa at biglang nagtanggal ito ng maskara. hindi pala ito si Erwin. si Kimtony Quillosa pala ito na nagbabalatkayo. bigla siyang nagpakita at sumingit sa usapan ng dalawa.
kim: aha! narinig ko ang pinag uusapan nyo, alam nyu bang hindi ko gusto ang plano nyo.
nagulat ang dalawa kaya bigla na lang dumating si Daniel sa bahay nina Jerry. pagkakita ni Kim kay Daniel eh bigla niyang sinabi na
daniel: ako ang dapat na ipakasal kay Micy, di karapat dapat si Jerry sa kanya.kim: hindi, ako!jerry: mga bano kayo. ako!!!
nagtalo ang tatlo nang biglang dumating sina Jerome Sarmiento at Noemi Macalinao. sinabi nila na wala sa tatlo Jang karapat dapat at si Erwin talaga ang bagay dun.
Joseph: oo nga. kaso, taken na yun.
sabay sabay napatango ang lahat pero biglang dumatin c Aron kina Jerry, tas tanung ng ahat eh bat sya nandito.
aron: kc namimiss ko na si Jerry eh...(sabay kamot sa batok)
kim: eh narinig mo ba ung pinag uusapan namin kanina?
aron: oo, ang masasabi ko lang eh, may pag asa pa tau hangat di pa siya kinakasal,hehehe.
pagkarinig ni Joseph sa sbi ni Aron eh bigla niyang sinabi na engage na daw ang kapatid nya at ikakasal na bukas. nagulat ang lahat at sabay sabay na sumigaw ng SINO?
joseph: Kay SAM MILBY !!!
lahat: Kay SAM MILBY?
joseph: Oo, kay Sam Milby engaged ang kapatid q. Di katulad niyo na di laking aircon.
At lumapit si Daniel at bigla itong hinimatay. dinala nila ito sa pinakamalapit na pagamutan
joseph: doc, anu po ang sakit ng kaibigan namin?
doc: cancer, at may taning na ang buhay nya. mamatay na sya in 10...
joseph: 10?? 10 months? weeks? days??
doc: wag kang maingay.. 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1
...at pumanaw na nga si Daniel..
paalam kaibigan, hindi ka namin makakalimutan. sa mga magkakaibigan si Aron ang pinaka naapektohan sa masamang nangyari kay daniel
aron: huhuhu, wla n aqng utusan(sa isip lng yan)...huhuhu
raymond: tsk tsk tsk...
erwin: kawawang daniel, kung cnabi lng nya agad satin edi tau n ang pumatay sa kanya(syempre sa isip lng nya to)
joseph: huhu, ilibing n natin yan, baka mangamoy pa(sa isip din to no)
jerry: daniel, eto ang huli kong tinapay, sayu n lng...
kimtony: tol, hayaan m, igagawa kita ng portrait para sa lamay m...
tejido: huwag kang magalala daniel, ipaghihiganti kita!!!(sabay takbo sa tennis court)
jerome at noemi: hayaan m daniel, kami n bhala sa lamay m, hehe...sabay inuman na din pagsapit ng dilim(syempre iniisip lng to)
Inilagak nila ang kanyang katawan sa kabaong na dapat ay para kay Aron. At pinaglamayan ito ng 40 days at 40 nights. Di nila ito nilibing at sa halip ay ginamit itong excuse para makapag-tayo sila ng saklaan. dahil nga sa tagal ng burol, nakalikom sila ng malaking halaga para makapagtayo ng negosyo. si joseph ang nagsilbing tagapamahala nito.. ang pangalang ibinigay nila sa negosyo nila at ang negosyong ito ay…
NOTE: SADYA NAMIN NA HINDI NAMIN ILAGAY ANG NEGOSYO NA IPINUNDAR NG MGA PATAPON. KAYO NA LANG ANG BAHALANG MAG-ISIP KUNG ANO ANG NEGOSYO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
aba't kumpleto talaga ang mga pangalan sa intro..
nyahaha! aus to ah.. wawa naman si daniel. mga walang kwentang friendships!
puro dialogue, pwede ng script.. gawa tayung pelikula. haha!
NYHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Cge gawa tayong pelikula. Si Ramon Bautista ang direktor.
NYAHAHAHAHAHAHAHA!!!!
Post a Comment