Showing posts with label random thoughts. Show all posts
Showing posts with label random thoughts. Show all posts

Friday, August 1, 2008

Kilala Ko Na Kung Sino Crush Mo? Sino ? Si Dabiana.


Lahat tayong mga lalake eh, medyo nanginginig kapag napag-uusapan natin ang tungkol sa mga crush natin......
Wag kang sinungaling, totoo naman eh.
Mga bata pa nga lang tayo eh meron na tayong mga natitipuhan. Kahit pa hindi natin ka-age bracket.
Ako eh, nagka-crush na nga ako ng mas matanda pa sa akin eh.
Medyo hook na rin ako sa My Girl. Hindi dahil kay Jasmine lalo na kay Julian. Dahil yun keyh......
KAY SHIELA !!!
Siya si Regine Angeles at siya ang crush ko.

EWAN KO KUNG BAKIT KO BA NAIPOST KO ITO SA BLOG KO !!!
PERO ANYWAY AY NASABI KO RIN ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON HEHE!!!

Monday, July 14, 2008

Kailan Kaya Magiging Sikat Ang Mga Artista Natin Sa China ?

Ampf !!!
Nakarating na pala sa Pinas sina Wu Chun at Calvin Chen, mga Taiwanese Actors at miyembro ng isang boyband na Fahrenheit(mukhang hindi nila alam na hindi na uso ang boybands sa Pilipinas, kawawa). Walangya, hindi pa nareresolba ang isyu ng ZTE at Northrail eh saka pa nagsidatingan ang mga 'to. Kawawang bayan. Masyadong tayong panatiko sa mga artista natin hindi sariling atin. Hanggang kailan kaya na ang mga artista natin ang bumisita sa China at tangkilikin ang mga soap opera natin ?

Ang sagot sa pagbabalik ng .......... THE BUZZZZ !!!

Tips Ahoy !!!!

8.50 na po ang pamasahe natin mga epal. Super mahal na ang mga pamasahe at dagdagan pa natin ng mga abusadong mga drayber. Kaya narito ang mga tips para makatipid ng pamasahe:
- Maglakad. Kung medyo di kalayuan ang bahay niyo sa labasan eh magalakad ka. Huwag nang pasosyal. Sayang din ang pera mo kung 1 kilometro lang naman ang lalakarin mo. Nakapag-ehersisyo ka pa. Siguraduhin mo lang na matibay ang sapatos mo nang hindi magmura ang mga paa mo sa init !!!
- Mag-astang estudyante. Para maka-mura ka. Pero hindi ito applicable sa mga matatanda. Halata na kasi eh !!!
- Gamitin ang classic na 1-2-3. Siguraduhin mo lang na makakarating ka sa iyong paroroonan dahil kung mamalasin ka nga naman eh tutubuhin ka ng drayber.

Thursday, June 26, 2008

Doon Ka Sa Barangay

Ang mga Pilipino talaga, pag tinamaan ng gutom sa katawan, reklamo agad. Pag feeling nila na naghihirap sila sa buhay, sugod agad sa kalsada, labas ng plakard at mag-rally,mag-ingay, at mang istorbo ng taong tulad ko. Na nananahimik na nag-aaral.

Reklamo...

Puro ka na nalang reklamo.
Reklamo mong mahal ang tubig, ede wag kang mag-igib.
Reklamo mong mahal ang kuryente, ede wag kang gumamit ng kuryente.
Reklamo mong mahal ang pagkain, ede wag kang kumain.
Simple lang di ba?
Pero tingin ko hindi mo magagawa ito.

Baka sa karereklamo natin eh magalit na si Dear Jesus !!!

Ano?
Reklamo ka pa?
DOON KA SA BARANGAY!!!

Friday, June 20, 2008

Thought For The Day

Mula kay Tado.....







Thursday, June 19, 2008

May Kudeta Sa Bahay Namin !!!

Kagabi...

Mas mainit pa sa pag-laya ni Ces Drilon ang nangyari sa bahay namin. Pag-uwi naming mag-kapatid eh nakita namin ang nanay. Parang umiyak. Yun pala eh pinipilit niyang patawarin siya ng tatay. Pero sadyang matigas ang puso ni tatay. Ayaw siyang patawarin. Bukod pa roon ay pinaalala ni tatay ang ginawa niya noon pang linggo. Ganito kasi yun....

Flashback...

Ayon sa kuwento ni nanay, nagpapa-pray over si tatay para sa sakit niya. Eh medyo busy ang lahat dahil nga eh nag-liligpit at may meeting pa ang ibang ministry. Hindi nakapag-antay si tatay. Nagtampo. Parang bata. Wala kaming alam sa nangyari. Umusbong na lang kinagabihan.

Ngayon...

Nakikiramdam pa rin kami kung hanggang kailan matatapos ang standoff sa pagitan nina nanay at tatay. Pero ang bottom line dito ay kaming mga anak ang apektado sa gulo ng dalawa.

Opinyon...

Sa palagay ko, tama si nanay. Bakit ba magtatampo si tatay kung hindi siya pinag-pray nina Pastor ng mga teacher ? Di ba pinagpray na siya kasama nung mga tatay sa harapan ? Bakit kailangan pang personal ? At isa pang ayaw ko sa tatay na hindi ko masabi-sabi ay ang pagiging matigas ng puso niya para sa pagpapatawad. Humingi na ng tawad si nanay kinagabihan noong Lunes pero anong ginawa niya? Pinatagal niya nang isang linggo. Kaya isang linggo ang tensyon. Walang kibuan. Para kaming mga reporter na mag-aantay ng susunod na pangyayari. Bakit hindi pa patawarin agad para matapos na di ba?

Wednesday, June 18, 2008

Tuesday, June 17, 2008

Gusto Mong Pumayat...

Gusto mong pumayat na hindi na nag-aantay ng araw, linggo, buwan at taon? Gusto mo ng flat na tiyan pero ayaw mahirapan ang sarili? Puwes narito na ang mga tips mula sa Pinoy Epal.

  1. Kumuha ng matulis na bagay para iputok sa tiyan mo.
  2. Kumuha ng rolling pin at imasa ang tiyan.
  3. Magpadamba sa 10 elepante.
  4. Maglagay na 10 hollow blocks sa tiyan.
  5. Kung talagang desperado ka nang pumayat ay eto......MAGPADAAN KA SA PISON !!!
    TIYAK NA PAPAYAT KA. SINGPAYAT NG PAPEL.

Ang tips na ito ay hatid sa inyo ng MISFIT TEA AND CAPSULE. PAYAT ANG TIYAN, DIRETSO SA LIBINGAN.

Tuesday, June 10, 2008

Eto ang Totoo(for sure)...

Nilinlang ka ng TV.Niloko ka ng radyo. Dinaya ka ng diyaryo.
Kunwari walang problema. Pero meron.

Galing sa blog ni Agi.

Hindi Talaga Masarap Ang Maging Mayaman (Minsan).

Ayoko nang maging mayaman.
Ito ang naisip ko nang lumabas ang blogsite ni Brian Gorell tungkol sa buhay ng mga tinatawag na mga alta-sociedad. Di na isyu kung totoo ang mga binanggit ni Gorell sa blog niya kasi meron nang mga alta-sociedad nung panahon ng mga Kastila. Sa Noli Me Tangere ni Ka Pepe ay meron nang mga ganitong tao sa ating lipunan (maging tunay o nagpapanggap lang).
Tingin ko sa mga taong ito eh mga hindi makatulog. Dalawa lang naman ang dahilan. Maaring nag-aaalala sila sa kanilang pera o nakokonsiyensiya dahil kinukurakot lang yung pera iniipon nila. Kaya nagpupunta sa mga party o di kaya mag-gogolf sa Wack-Wack para lang kalimutan ang kanilang problema. Pero waepek yun sa kanila. Sana eh maranasan naman nilang ma-foreclosure ang mga ari-arian nila tapos makita ko sila sa Monumento na nag-rurugby. Grabe na ha. Nung mayaman sila, sleeping pills at coke ang tinitira nila. Tapos drugs pa rin noong nag-hirap.

Sunday, June 1, 2008

Belo Monster !!!!

NOTE: Sadya kong hindi naglagay ng picture ni Dra. Vicky Belo para walang giyerang maganap o magkaroon ng civil war. Total naman eh opinyon ko lang naman ito at bahala na kayo kung sang-ayon kayo o hindi.

Kanina lang eh ipinakilala ang bagong endorser ni Dra. Vicky Belo, si Sarah Geronimo. Napansin niyo ba na maputi ang kanyang balat. Di tulad ng dati.

Nakakalungkot pero ano ba ang napapala ng tao sa pagpapaputi ng balat ? Bakit ba naiinggit ang ibang ordinaryong tao tulad ko sa mga artista na gumagastos ng libo-libo para lang gawin silang kamukha ng mga poon sa simbahan. Sana estatwa na lang sila na niluluhuran. Yun naman ang gusto nila, ang niluluhuran at sinasamba ng tao.

Medyo sawa na rin ako sa mga commercial ng mga produkto ni Belo. Ayoko na at di ko na ma-take. Lalo na yung catchphrase na....

"Only Belo touches my skin. Who touches yours ?"

Who touches mine?

Kung ako ang tatanungin, mas mabuti nang magpahawak ako sa taong grasa wag lang sa kasinungalingan na ang kagandahan ay nakasasalay sa kamay ng iilang tao lang tulad niya.

Lead us not into temptation.

Saturday, May 10, 2008

Sa Wakas....

UMULAN DIN SA AMIN. SALAMAT AT NAIBSAN NA RIN ANG INIT NG PANAHON KAHIT KAUNTI.

YUN LANG.

BY THE WAY, 14 POSTS TO GO AT MAKAKA- ISANDAANG POST NA AKO

YEHEY !!!!

SA WAKAS.

Asar Kay Manny Pacquiao

Manny Pacquiao: Na-ji-jibs na ako. Pahinging Diatabs.

Wala lang, natawa lang ako nang nakita ko ang piktyur na 'to !!!


Kay Ruthan ang picture na ito.

Friday, May 2, 2008

Isang Araw, Gumawa Ako ng Ewan

Di ko alam pero bakit ba ako nakinig sa sinasabi ng preacher sa tv para gumawa ako ng ewan. Nasisiraan ba siya ng bait para sabihan niya ako ng ewan? Pero ganun pa rin, gumawa ako ng ewan. Kahit paano eh nasiyahan ako sa ginagawa ko. I've made as an achievement. Pero posible ba sa tao na gumawa siya ng ewan. Kung si Ulang sa kuwento ni Bob Ong eh gumawa ng wala, tayo pa kayang mga tao na may kapasidad na gumawa ng ewan.

Tao: Anong ginagawa mo?
PC: Gumagawa ako ng ewan.
Tao: Ano?
PC: GUMAGAWA AKO NG EWAN !!!
Tao: Gumagawa ka ng ewan?
PC: OO !!!
Tao: Paano nangyari yun?
PC: Eto. Tignan mo.
Tao: Eh anong ginagawa mo?
PC: GUMAGAWA AKO NG EWAN !!!
Tao: Ang kulit mo.
PC: 'KAW RIN !!!

Oh, di ba. Posible sa tao ang gumawa ng ewan. Try niyo.

Wednesday, April 30, 2008

Lintehhhhk Na Tubig (GRRRRR !!!!)

$H!+ na malagkit ...

Sa dinami-dami ng dapat mawalan eh tubig pa ang nawala sa amin. Kahapon pang walang tubig sa amin dito sa Holiday Homes. Akala ko eh nang-gugudtym lang yung mga nasa taas para yung mga hindi nagbabayad ng tubig ay mapilitan mag-abuloy.

Back to the present...

Ginising ako ng mommy ko para lang mag-bantay sa tubig. Hanggang ngayon ay nag-aabang pa rin kami ng tubig. Gusto ko nang magdabog. Gusto ko nang mag-amok. Kaso wala rin mangyayari kung gagayahin ko si John Regala. Kaya eto, nag-aantay sa biyaya ng bughaw na tubig o di kaya sa toning water ni Johnny Midnight. Parang gusto atang kumanta ng........ Siluet kuwarentaaaahhh !!!!

Tuesday, April 22, 2008

Ang Bored Talaga Pag Nag-Iisa Sa Bahay

Eto at nakatanga na naman sa PC nagsusulat ng walang kuwentang blog tulad nito.
Pero siguro may pakinabang din naman kahit paano.
Iku-kuwento ko lang ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.

Note: Ang susunod na blog ay may temang di angkop sa mga may topak at mga feeling mayaman. Patnubay ni Shaider ang kailangan.

Nitong Martes, ng hatinggabi, a week ago, nagbakasyon ang dalawang kapatid sa Mindoro Occidental, sa aming auntie. Ang saya-saya dahil wala na akong ka-agaw sa tv o sa kung anong mga bagay. Wala na ring maingay sa bahay.

Ang saya-saya ko...

Nitong Linggo, sumunod naman ang nanay ko sa isla. Ako na ang mag-isa.

Lunes, bored ako sa bahay. Tapos na ang trabaho pero bored pa rin ako. Ayokong sayangin ang buong araw sa pagtulog. Kaya naisip ko na mag-PC. Kaso wala akong maisip no ipo-post sa blog kaya wala rin. Pumunta ako sa Town Center para bumili ng dvd na anime. Dapat sa Transformers pero nauwi lang sa Shaider. Ayos na rin. Dumating din tatay ko na akala ko ay ngayon pa siya uuwi.

Ngayong araw ay bored pa rin ako. Nag-iisa sa bahay at walang ibang trip kundi ang magsulat sa blog habang inaalam ko pa ang ugat kung bakit maraming Pinoy ang problemado sa love life ni Vina Morales.

Monday, April 14, 2008

Kahapon Lamang...

Dahil wala akong magawa sa buhay kahapon, naisip kong bumisita sa Friendster Groups namin, ECE 3-1. Nagpost si Erwin ng topic na dugsungan ng kuwento. Nakisali na kami ni Joseph sa pagdugtong ng mga kuwento at ito ang kinalabasan...

Pumunta na lang kayo sa....

http://www.friendster.com/group-discussion/index.php?t=msg&goto=14500365&#msg_14500365

Saturday, April 5, 2008

Pinoy Accounting Terms

Nang nabasa ko ang mga accounting terms na TAGALIZED, napatambling ako mula San Pedro hanggang Santa Rosa. Paano ba naman kasi, medyo bulgar at bastos kapag isina-TAGALOG mo yung mga terms.
AND HERE THEY ARE.....
OOPS ! BABALA SA MGA MAMBABASA ! KUNG NABASA NIYO AT ISA KAYONG KONSERBATIBO, MANGYARING TUMAKBO SA PINAKAMALAPIT NA PARI PARA MANGUMPISAL ! DI KO PO ISINULAT NA MAY HALONG KABASTUSAN. TALAGANG TRANSLATION ITO NG MGA PINOY ACCOUNTING TERMS. BAHALA NA KAYO KUNG MATAWA KAYO O MAIINIS KAYO O AABANGAN NIYO AKO SA BAHAY NAMIN AT I-ASSASSINATE NIYO AKO. PERO SORI WALA AKONG BAHAY HEHE !!!
AND NOW, BACK TO OUR REGULAR PROGRAMMING...

THE PINOY ACCOUNTING TERMS( By BAS NAVARRO):

Asset - Ari
Fixed asset - Nakatirik na ari
Liquid asset - Basang ari
Solid asset - Matigas na ari
Owned asset - Sariling pag aari
Other asset - Ari ng iba
False asset - Ari-ari-an
Miscellaneous asset - Iba-ibang klaseng ari
Asset write off - Pinutol na pag-aari
Depreciation of asset - Laspag na pag-aari
Fully depreciated asset - Laspag na laspag na pag-aari
Earning asset - Tumutubong pag aari
Working asset - Ganado pa ang ari
Non-earning asset - Baldado na ang ari
Erroneous entry - Mali ang pagka pasok
Double entry - Dalawang beses ipinasok
Multiple entry - Labas pasok nang labas pasok
Correcting entry - Itinama ang pagpasok
Reversing entry - Baligtad ang pagkakapasok
Dead asset - Patay na ARI

Wednesday, April 2, 2008

First Blog Para Sa April !!!

WALA !!!

Di muna ako mag-popost ng blog ngayon dahil marami akong inaasikaso na dapat nang tapusin.
Sana wag na kayong mag-tampo sa akin.

Monday, March 17, 2008

Extended Holy Week

Sabi daw nila, i-eextend daw ng Simbahang Katoliko yung Holy Week. Bukod pa sa Sabado De Gloria, meron na ring DOMINGO DE RAMOS at LUNES DE ERAP. Pinag-iisipan pa saw nila kung meron pang MARTES DE CORY AT MIYERKULES DE MACOY.

Hehehehehe biro lang !!!!