Minsan naisip ko na kung ang mga matataba ay gustong magpapayat, ako naman gusto kong magpapayat. Di ko naman kailangan ng diyeta o exercise kasi payat naman ako at wala akong taba na ilulusaw. Pero ayoko naman yung parang katawan ni Mr. Wobblyman sa pinapanood ko sa tv o yung kay Dabiana na parang baboy na malapit nang katayin, ilitson, at iparada sa Balayan. Yung katatamtaman lang. Yung kaya kong bawasan ng exercise. Matagal na akong di nag-eexercise. Matagal na akong di nakakalabas ng bahay para magpapayat. Gusto ko sana ng challenge tulad ng laging gusto ni Mr. Sparks sa cartoons. Para naman maiba. Tsaka ayoko yung gawang "salamat po, 'Dok."Una sa lahat, wala akong perng panggastos. Pangalawa, gusto yung pingahihirap, hindi yung laging ipinaparada ng media nagpapayat sila dahil nagpasipsip sila ng taba sa doktor.
Kaya ngayon ay, dinadaan ko na lang sa dami ng kain araw-araw. Ang kaso, lagi na lang lumalabas pagume-etats ako sa cr. Kaya ang tanong ko bayan ay ganito:
Ano kaya ang dahilan ng aking problema?
a) may bulate sa tiyan ko
b)may galit ba sa akin para ako ay kulamin
c)Epekto ba 'to ng pagiging BO fanatic
d)All of the above(or the none of it)
Friday, February 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment