Monday, February 11, 2008

Ultra Stampede: Dalawang Taon Na, Bilis Nating Makalimot !!!


2 taon na at 7 araw na ang nakararaan mula nang nangyari ang malagim na Ultra Stampede. 70 mahigit ang buhay na nalagas dahil sa malalaking premyo na mistulang mga pain ng mga mapagsamantalang mga kamay. Gustong umalwan ang kanilang naghihirap na buhay. 2 taon na ang nakaraan pero anong nangyari sa kanila. Nagkaroon ng imbestigasyon pero wala ring nangyari sa kanila. Napawalang sala ang mga dapat managot at nagpatuloy ang programa nang walang pagharang. Ilang beses na rin akong gumawa ng sanaysay ukol dito. Ilang buwan at nasadlak na naman sa kahihiyan ang bayan dahil sa Wilyonaryo Scandal. Tama na. Puno na ang salop. Gumawa ako ng isang petisyon para tanggalin na ang mga noontime show sa tv. Kalat at salot sa bayan. Pero sa huli kong kita tatlo pa lang ang pumirma (kasama na ako roon). Sadyang naloko na ang taong bayan dahil sa media. Nabola na !!! Naloko na !!! Bilis naman nating makalimot sa mga pangyayari. Sayang lang talaga!!!

































































No comments: