Sunday, August 17, 2008

Friday, August 1, 2008

Kilala Ko Na Kung Sino Crush Mo? Sino ? Si Dabiana.


Lahat tayong mga lalake eh, medyo nanginginig kapag napag-uusapan natin ang tungkol sa mga crush natin......
Wag kang sinungaling, totoo naman eh.
Mga bata pa nga lang tayo eh meron na tayong mga natitipuhan. Kahit pa hindi natin ka-age bracket.
Ako eh, nagka-crush na nga ako ng mas matanda pa sa akin eh.
Medyo hook na rin ako sa My Girl. Hindi dahil kay Jasmine lalo na kay Julian. Dahil yun keyh......
KAY SHIELA !!!
Siya si Regine Angeles at siya ang crush ko.

EWAN KO KUNG BAKIT KO BA NAIPOST KO ITO SA BLOG KO !!!
PERO ANYWAY AY NASABI KO RIN ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON HEHE!!!

Monday, July 14, 2008

Perry Chloride No More

Ako na si.........

SUPER PERRY

SUPER PERRY, TALAGANG TRIP KITA...

SAKAY NA !!!

Kailan Kaya Magiging Sikat Ang Mga Artista Natin Sa China ?

Ampf !!!
Nakarating na pala sa Pinas sina Wu Chun at Calvin Chen, mga Taiwanese Actors at miyembro ng isang boyband na Fahrenheit(mukhang hindi nila alam na hindi na uso ang boybands sa Pilipinas, kawawa). Walangya, hindi pa nareresolba ang isyu ng ZTE at Northrail eh saka pa nagsidatingan ang mga 'to. Kawawang bayan. Masyadong tayong panatiko sa mga artista natin hindi sariling atin. Hanggang kailan kaya na ang mga artista natin ang bumisita sa China at tangkilikin ang mga soap opera natin ?

Ang sagot sa pagbabalik ng .......... THE BUZZZZ !!!

Tips Ahoy !!!!

8.50 na po ang pamasahe natin mga epal. Super mahal na ang mga pamasahe at dagdagan pa natin ng mga abusadong mga drayber. Kaya narito ang mga tips para makatipid ng pamasahe:
- Maglakad. Kung medyo di kalayuan ang bahay niyo sa labasan eh magalakad ka. Huwag nang pasosyal. Sayang din ang pera mo kung 1 kilometro lang naman ang lalakarin mo. Nakapag-ehersisyo ka pa. Siguraduhin mo lang na matibay ang sapatos mo nang hindi magmura ang mga paa mo sa init !!!
- Mag-astang estudyante. Para maka-mura ka. Pero hindi ito applicable sa mga matatanda. Halata na kasi eh !!!
- Gamitin ang classic na 1-2-3. Siguraduhin mo lang na makakarating ka sa iyong paroroonan dahil kung mamalasin ka nga naman eh tutubuhin ka ng drayber.

Tinatamad Na Po (Hihihi......Brrrrrrr,,,,, Lamig Po !!!)

Medyo umiral na naman ang katamaran ko sa pagsusulat ko sa blog. Maraming dahilan na di na rin kailangan i-detalye. Pero dahil mapilit ka at binayaran mo ako ng 1000 Piso, sige, sasabihin ko sa iyo ang ang mga dahilan.

- Nag-install na ako ng Multisim, isang engineering simulation program sa aking computer. Sa ngayon ay pinag-aaralan ko ang paggamit nito. Bukod pa roon ay nag-download ako ng mga e-books na kailangan ko sa aking kurso. Kailangan ko munang laspagin para mawala na ang aking gana rito.
-Matagal din di nag-trabaho ang tatay namin. Kaya bantay-sarado rin kami.

Yun lang naman at sana eh naarok niyo ang aking pang-unawa ukol sa matagal kong absence sa blogosphere.

Sunday, June 29, 2008

P.C. Dictionary

Narito pa ang PC lingo na tiyak na matututunan niyo ...

Indescribable,inconceivable- di ma-explain/malabo/di maintindihan